Saturday, May 9, 2009

Sa piling ng Bulutong


Salamat at natapos din ang aking malungkot na araw sa banig ng karamdaman. Mahigit dalawang linggo din akong hindi naka pasok sa trabaho dahil sa aking sunod-sunod na sakit. Sakit sa lalamunan, sa likod, sa balat kulang na lang ay dapuan ako ng dengue, AIDS, TB, CANCER at kung ano-ano pang sakit. Hay buhay akala ko... katapusan ko na.

Sino na ba sa inyo ang nakaranas mag-karoon ng bulutong? Ako malamang naranasan ko na. Alam niyo ba ang bulutong ay isang nakakahawang sakit sa balat. Sa aking opinyon wala siyang gamot kusa siyang gumagaling pero ang maiiwan nito ay masakit. Ikaw na ang magkaroon ng peklat na san damukal. Huwag kayong mag-alala, lahat ng tao ay nagkakaroon ng bulutong - bata, matanda, mayngipin o wala. Hindi naman siya ganoon ka grabe pero pagsinabi kasi nating sakit sa balat alam mo na … kulang na lang ay pandirian ka at ipag-tabuyan. Yan ang totoo sa ating mga Pinoy tumitingin sa panlabas na anyo.

Minsan napunta ako sa isang leprosarium. May bulutong pa ako noon. Nakakatuwa lang dahil lubhang kahanga-hanga ang mga tao doon. Biro niyo, hindi man lang sila natakot na mahawa sa kalagayan ko. Sabagay ketong nga nalagpasan nila bulutong pa kaya. Pero hindi iyon ang naiis kong mabatid. Hindi ko nakita sa kanilang mukha ang pag-uri sa kalagayan at hitsura ng isang tao. Papatuluyin ka nila ano man ang kalagayan mo. Kung ating kukuro-kuruhin sila ay mga uri ng tao ng hindi marunng humusga sa anyo ng isang tao. Sana lahat ng tao sa Pilipinas ganoon. Hindi tumitingin sa panglabas na anyo. Huwag niyo sanang gayahin yung isang babaeng nakasakay ko sa bus noong isang linggo akala mo kung sinong maganda at makinis. Ganoon na lang ako uriin ng tumabi sa inuupuan ko. Pandirihan ba ako?

Sabi nga nila... "Huwag mong husgahan ang isang tao ng dahil lang sa kanyang anyo... marami ang nagbibihis tupa pero ang katotohana sila pala ay mga mabangis na hayop na handang silain ang sino man ano mang oras nila gustuhin. Mabuti nang maging pangit na may mabuting kalooban kaysa isang maganda na ang kaloob-looban ay nabubulok at inaanay."


No comments:

Post a Comment