May pangyayari sa buhay natin na minsan ay hindi natin ginustong mangyari na para bang kabute na bigla na lang susulpot. Gaya ng kaibigan kung si Jun. Si Jun bilang isang kaibigan ay napakabuti. Hindi ka niya iiwanan kahit sa anong laban. Siguro sa lahat ng taong nakilala ko si Jun ang masasabi kong the best. Isusubo na lang niya ibibigay pa sa iyo. Nakakatuwang isipin na merong taong kagaya niya.
Minsan nagyaya ng inuman si Jun. Nabigala nga ako…. Kadalasan kasi ako ang nagyaya ng inuman. Ako naman si korek bili naman ng inumin. Red Horse para lakas tama… Napasarap ang inuman naming dalawa. Una dalawang bote lang hanggang sa napadami hanggang si Jun lupaypay na at biglang nag-bukas ng kanyang problema. Sabi niya " Pare bakit ganito ang buhay…" ang sagot ko lang ha??? nakakalungkot isipin sa mga oras na iyon hindi ko man lang matulungan ang aking kaibigan. Kahit isang mabuting sagot ay hindi ko maibigay. Siguro hindi wala talaga akong mabuting sasabihin kaya minabuti ko na lang na tumahimik…
Kinabukasan habang pauwi ako… nakita ko sio Jun. May kasama hindi naman si mare. May pinasukan silang isang lugar. Akala ko restaurant pagtingin ko sa karatula… Affordable rates??? siguro heto yung problema ni Jun na gusto niyang sabihin. Marahil ay hindi na siya naging masaya sa buhay nila ni mare bilang mag-asawa. nag kibit balikat na lamang ako sa aking nakita…
Siguro ito na marahil ay bunsod ng pangungulila ni pare yun nalang ang nasabi ko sa aking sarili… pero ayoko namang humantong sa isang konklusyon na may ibang babae si Jun. Ang sa akin lang kung saan siya masaya suportahan na lang kita…
Ang tanong lahat ba ng sa tingin natin ay makakapagpaligaya sa buhay natin ay tama??? kung ako ang tatanungin niyo. Hindi lahat ng alam nating makapagbibigay sa atin ng kaligayahan ay tama. Minsan kung ano pa ang masakit yun pa ang tama. Gaya na lamang sa pag-ibig… maraming pamilya ang nasisira ng dahil sa maling akala na hindi sila masaya sa buhay nila kasama ang kanilang kabiyak… Hindi ko naman sila masisi dahil kalooban nila yun. Ang ganang akin lamang… sana bago natin gawin ang isang bagay sana isipin muna natin kung ang ating naiisip, nararamdaman, naaamoy, nakikita at naririnig ay tama. Ang pagsisi ay laging nasa huli…
No comments:
Post a Comment