Saturday, May 9, 2009

Mommy I love you till the last one die

You and me against the world… sometimes it feels like you and me against the world…. ganda no? alam niyo tuwing naririnig ko yang kantang You and me against the world naalala ko ang isang taong minahal ko ng husto sa buhay ko… Sa totoo lang ang dami ng nangyari sa buhay naming dalawa. Marami na rin kaming naranasan. Nandyan na magdildil kaming dalawa sa asin, mabaon sa utang, muntik ng maghiwalay hanggang ngayon puro parin pag-subok at problema. Pero hindi ako nagsisi sa buhay ko ngayon dahil pinili ko ang buhay na ito kasama ang aking may bahay. Wala naman kasi akong hinangad kundi mapaligaya siya sa abot ng aking kakayahan. Yayaman nga lang hindi ko maibigay sa kanya, sa ngayon, ang buhay na pinapangarap naming dalawa. Ang kaya ko lang ibigay sa kanya ang aking pagmamahal na handang isakripisyo ang lahat. Siguro sa dami ng pagsubok na dinaanan namin wala na akong kinatatakutan kundi mawala ang pinakamamahal kong pamilya. Ang aking anak at ang aking asawa.

Minsan habang naglalakad kami pa uwi sa bahay may ibinigay ako sa kanya… Binigyan ko siya ng Labing Dalawang bulaklak. Labing-isa ang tunay at isa ang di-totoo. At sinabi ko sa kanya… Mommy I love you till the last one die.

HIndi lahat ng alam nating makakapagpaligaya sa atin ay tama

May pangyayari sa buhay natin na minsan ay hindi natin ginustong mangyari na para bang kabute na bigla na lang susulpot. Gaya ng kaibigan kung si Jun. Si Jun bilang isang kaibigan ay napakabuti. Hindi ka niya iiwanan kahit sa anong laban. Siguro sa lahat ng taong nakilala ko si Jun ang masasabi kong the best. Isusubo na lang niya ibibigay pa sa iyo. Nakakatuwang isipin na merong taong kagaya niya.

Minsan nagyaya ng inuman si Jun. Nabigala nga ako…. Kadalasan kasi ako ang nagyaya ng inuman. Ako naman si korek bili naman ng inumin. Red Horse para lakas tama… Napasarap ang inuman naming dalawa. Una dalawang bote lang hanggang sa napadami hanggang si Jun lupaypay na at biglang nag-bukas ng kanyang problema. Sabi niya " Pare bakit ganito ang buhay…" ang sagot ko lang ha??? nakakalungkot isipin sa mga oras na iyon hindi ko man lang matulungan ang aking kaibigan. Kahit isang mabuting sagot ay hindi ko maibigay. Siguro hindi wala talaga akong mabuting sasabihin kaya minabuti ko na lang na tumahimik…

Kinabukasan habang pauwi ako… nakita ko sio Jun. May kasama hindi naman si mare. May pinasukan silang isang lugar. Akala ko restaurant pagtingin ko sa karatula… Affordable rates??? siguro heto yung problema ni Jun na gusto niyang sabihin. Marahil ay hindi na siya naging masaya sa buhay nila ni mare bilang mag-asawa. nag kibit balikat na lamang ako sa aking nakita…

Siguro ito na marahil ay bunsod ng pangungulila ni pare yun nalang ang nasabi ko sa aking sarili… pero ayoko namang humantong sa isang konklusyon na may ibang babae si Jun. Ang sa akin lang kung saan siya masaya suportahan na lang kita…

Ang tanong lahat ba ng sa tingin natin ay makakapagpaligaya sa buhay natin ay tama??? kung ako ang tatanungin niyo. Hindi lahat ng alam nating makapagbibigay sa atin ng kaligayahan ay tama. Minsan kung ano pa ang masakit yun pa ang tama. Gaya na lamang sa pag-ibig… maraming pamilya ang nasisira ng dahil sa maling akala na hindi sila masaya sa buhay nila kasama ang kanilang kabiyak… Hindi ko naman sila masisi dahil kalooban nila yun. Ang ganang akin lamang… sana bago natin gawin ang isang bagay sana isipin muna natin kung ang ating naiisip, nararamdaman, naaamoy, nakikita at naririnig ay tama. Ang pagsisi ay laging nasa huli…

Ang mahalaga

Ilang beses na ba tayong nabigo, nasaktan at bumangon? Siguro marami ng beses at di natin alam kung ilang beses talaga. Minsan nakakapikon na at mayroon pa tayong mapanising tanong… "Bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa aking buhay…? Wala na ba itong katapusan…!?" Marahil ganyan talaga ang buhay. MInsan may sabit minsan wala. Minsan nasa ibabaw madalas nasa ilalim.

Marami tayong sinisisi sa mga nangyayaring ito sa ating buhay. Kulang na nga lang pati ang Diyos sisihin natin… Pero naisip na ba natin na ang mga bagay na nangyari sa buhay natin ay mayroong dahilan at sana may aral tayong matutunan? Marahil ay wala naman talagang may kasalanan sa mga nangyayari sa buhay natin. Madalas pa nga… iyon ang mga bagay na ginusto natin. Gaya na lamang sa pag-ibig. Tayo ay nagmahal at umibig ng tapat. Bumuo ng pangarap kasama ang mahal natin sa buhay. Sa una naging maganda ang pagsasama nangmaglaon ay nasira ang magandang pagtitinginan… diba pinili natin ang buhay na kasama ang ating iniibig pero walang nakakaalam sa mangyayari sa huli.

Ang mga bagay na ito na nangyari buhay natin ay maydahilan at aral tayong mapupulot. Kaya ito nangyari ay para matuto tayo. Masakit man isipin pero yun ang katotohanan… Naalala ko tuloy ang kwento ni Amang Job. Kinuha ang lahat sa kanya isa lang ang sinabi niya "Diyos ang nagbigay, Diyos ang Kumuha, wala akong magagawa kung hindi purihin ang Diyos…" Huwag sana nating bilangin ang ating pagkadapa bagkos ay bilangin natin kung ilang beses tayong natutong tumayo at lumaban.

Umaga

Minsan ako’y nagising sa isang umaga na kay ganda at kay saya na halos buong sigla’t tuwa ko siyang ninanam. Nakita ko ang kapatid na naglalakad sa tabi ng burol at ang aking magulang ay masayang nagkakape sa aming hardin. Ang haring araw ay masigla ring sumikat upang bigyan ng panibagong buhay at pag-asa ang buong paligid. Nariyan ang aking maybahay na buong ngiti akong nilapitan at niyaya akong mag-almusal kasama ng aming anak. Ang aking anak ay buong sigla akong niyakap at umupo sa aking kandungan. Ito na siguro ang pinaka magandang umaga na aking nagisnan simula ng ako’y isilang. Sayang at di ko na ulit naranasan pa.

Siguro ay parating na ang takip silim ng aking buhay kaya ko naaalala ang masayang tagpong iyon. Isang umagang kay ganda na puno ng sigla, ngiti, pag-asa at buhay. Sana ay muli ko iyong maranasan bago tuluyan dumilim ang aking paligid. Sana ay manatili akong matatag sa mga nadarating pang araw upang pagdumating muli ang umagang yaon ay mayroon pa akong natitirang lakas upang ito’y namnamin at sabihing…. Magandang Umaga.

May isang umaga


(Song for my wife - Tere)

May isang umaga ang aking nagisnan

sa ating tagong mundo ay magkasama

Ang iyong mga halik ang iyong mga ngiti

ang iyong mga yakap ay nagsasabing mahal mo ako

Ikaw ako tayong dalawa ay magsasama, habang buhay

kahit na umabot pang nasa langit na ako ikaw at ako lamang…

Sa piling ng Bulutong


Salamat at natapos din ang aking malungkot na araw sa banig ng karamdaman. Mahigit dalawang linggo din akong hindi naka pasok sa trabaho dahil sa aking sunod-sunod na sakit. Sakit sa lalamunan, sa likod, sa balat kulang na lang ay dapuan ako ng dengue, AIDS, TB, CANCER at kung ano-ano pang sakit. Hay buhay akala ko... katapusan ko na.

Sino na ba sa inyo ang nakaranas mag-karoon ng bulutong? Ako malamang naranasan ko na. Alam niyo ba ang bulutong ay isang nakakahawang sakit sa balat. Sa aking opinyon wala siyang gamot kusa siyang gumagaling pero ang maiiwan nito ay masakit. Ikaw na ang magkaroon ng peklat na san damukal. Huwag kayong mag-alala, lahat ng tao ay nagkakaroon ng bulutong - bata, matanda, mayngipin o wala. Hindi naman siya ganoon ka grabe pero pagsinabi kasi nating sakit sa balat alam mo na … kulang na lang ay pandirian ka at ipag-tabuyan. Yan ang totoo sa ating mga Pinoy tumitingin sa panlabas na anyo.

Minsan napunta ako sa isang leprosarium. May bulutong pa ako noon. Nakakatuwa lang dahil lubhang kahanga-hanga ang mga tao doon. Biro niyo, hindi man lang sila natakot na mahawa sa kalagayan ko. Sabagay ketong nga nalagpasan nila bulutong pa kaya. Pero hindi iyon ang naiis kong mabatid. Hindi ko nakita sa kanilang mukha ang pag-uri sa kalagayan at hitsura ng isang tao. Papatuluyin ka nila ano man ang kalagayan mo. Kung ating kukuro-kuruhin sila ay mga uri ng tao ng hindi marunng humusga sa anyo ng isang tao. Sana lahat ng tao sa Pilipinas ganoon. Hindi tumitingin sa panglabas na anyo. Huwag niyo sanang gayahin yung isang babaeng nakasakay ko sa bus noong isang linggo akala mo kung sinong maganda at makinis. Ganoon na lang ako uriin ng tumabi sa inuupuan ko. Pandirihan ba ako?

Sabi nga nila... "Huwag mong husgahan ang isang tao ng dahil lang sa kanyang anyo... marami ang nagbibihis tupa pero ang katotohana sila pala ay mga mabangis na hayop na handang silain ang sino man ano mang oras nila gustuhin. Mabuti nang maging pangit na may mabuting kalooban kaysa isang maganda na ang kaloob-looban ay nabubulok at inaanay."